dzme1530.ph

Licence renewal feel ng mga PUV driver, ilibre na! —CIBAC

Isinusulong ni CIBAC Party-List Rep. Eddie Villanueva ang isang panukalang batas na naglalayong hindi pagbayarin ang mga drayber ng pampublikong sasakyan mula sa aplikasyon o renewal fees hanggang sa pagkuha ng Professional Driver’s License.

Binigyang diin ni Villanueva na makakatulong ang panukalang ito para mapababa ang kanilang gastusin sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at epekto pa rin ng pandemya sa kanilang arawang kita.

Nakasaad sa inihaing House Bill 7796 na libre na ang application o renewal ng driver’s license ng mga tsuper maliban sa kinakailangang fees tulad ng medical o eye examinations mula sa LTO accredited clinics, ID pictures, birth certificates at iba pa.

Kinakailangan lamang na may valid document ang mga aplikanteng PUV drivers mula sa LGU at membership identification card mula sa isang transport organization (TODA).

Samantala nilinaw naman ni Villanueva na ang mga transport vehicles na nag-ooperate sa pamamagitan ng transport networks corporations ay hindi sakop ng panukalang batas. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author