Nasa halos 7,000 mga pulis ang ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang rehiyon sa bansa na hinahagupit ng Bagyong Egay.
Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., nakakalat ang mga pulis sa Regions 1, 2, 3, 4A, 4B at maging sa National Capital Region (NCR).
Aniya, may mga toka ang mga pulis kung saan may nagsasagawa ng Search and Rescue Operations, may namimigay ng relief goods at nagsasagawa ng clearing operations.
Sinabi rin ni Acorda na mayroon ding nakatutok sa land, air at water assets na nakahandang i-deploy anumang oras para sa humanitarian assistance and disaster response operations.
Aniya, kasama nila ang iba’t-ibang sangay nga gobyerno gaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Philippine Coast Guard (PCG) at Local Government Unit na katuwang sa pagsasagawa ng rescue at relief mission. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News