Inanunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) na pumalo na sa mahigit 11,000 katao na ang kasalukuyang stranded sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa dulot pa rin ng Bagyong Egay.
Ayon sa PCG, ang 11,100 na indibiduwal ay kinabibilangan ng mga pasahero, truck drivers at cargo helpers.
Bukod rito, ay hindi rin pinayagang makapaglayag ang 73 vessels, 2,030 rolling cargoes at 27 motorbancas habang may 111 vessels at 67 motorbancas ang pansamantalang kumukupkop sa Bicol, Eastern Visayas, Southern Tagalog at NCR-Central Luzon.
Batay sa maritime safety advisory ng PCG, ang mga stranded ay naitala mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali ngayong araw, Hulyo 25. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News