dzme1530.ph

Libu-libong DPWH projects pinondohan ng UA, PBBM hindi ligtas sa isyu —Rep. Tinio

Loading

Hindi maaaring maghugas-kamay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mahigit apat na libong proyekto ng DPWH, kabilang ang flood control, na pinondohan gamit ang unprogrammed appropriations (UA) noong 2023 at 2024.

Sa plenary deliberations para sa 2026 budget ng DPWH, sinabi ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na mismong ang Pangulo ang nag-apruba ng naturang mga pondo.

Batay sa datos, umabot sa ₱61.4 bilyon ang UAs na inilaan sa DPWH noong 2023 at ₱153 bilyon naman noong 2024. Lumalabas din sa dokumento ng DBM na may 1,889 bagong proyekto noong 2023 at 1,811 noong 2024.

Sa Region 3, partikular sa Bulacan na tinaguriang sentro ng flood control controversies, umabot sa ₱25 bilyon ang ibinagsak na UA budget para sa 285 projects.

Giit ni Tinio, lahat ng paggamit ng UAs ay dadaan sa DBM, pero anumang proyekto ng pamahalaan ay may basbas pa rin ng Pangulo.

About The Author