dzme1530.ph

Libreng sakay sa LRT-2 at MRT-3 ngayong Araw ng Kagitingan at Eid’l Fitr

Umarangkada na ang libreng sakay sa Light Rail Transit Authority (LRTA) LRT-2 at MRT-3 sa lahat ng pasahero sa peak hours mula πŸ•:πŸŽπŸŽπ€πŒ hanggang πŸ—:πŸŽπŸŽπ€πŒ, at πŸ“:𝟎𝟎𝐏𝐌 hanggang πŸ•:𝟎𝟎𝐏𝐌 ngayong araw.

Ang libreng sakay ay para sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan at Eid’l Fitr sa Miyerkules, April 10 para makapagserbisyo sa mga pasahero ng LRT-2 sa mga naturang araw.

Magkakaroon din ng libreng sakay ang mga beterano sa buong operasyon ng LRT-2 hanggang sa April 11.

Ang libreng sakay sa LRT-2 ngayong Philippine Veterans’ Week at sa Araw ng Kagitingan ay tugon ng LRTA sa hiling ng Department of National Defense para kilalanin ang sakripisyo at kagitingan ng mga beterano noong ikalawang digmaang pandaigdig.

About The Author