dzme1530.ph

LIBRENG SAKAY PROGRAM, SUPORTADO NG SOLID NORTH PARTYLIST

Loading

Suportado ng Solid North Partylist ang pagbuhay sa “Libreng Sakay” program bilang alalay sa mga mananakay ngayong masyadong mataas ang presyo ng produktong petrolyo.

 

Ayon kay Solid North Rep. Ching Bernos, malaking benepisyo sa vulnerable sectors, daily wage earners, at mga estudyante ang Libreng Sakay program.

 

Una nang binanggit ni Acting Transportation Sec. Giovanni Lopez na hihilingin niyang magamit ang 1-bilyong pesos allocation para sa Service Contracting Program (SCP).

 

Sa ilalim ng SCP, papasok sa kontrata ang DOTr sa ilang PUV cooperatives at operators para magsakay ng pasahero nang libre.

 

Hinimok din ni Bernos ang DOTr na palawakin ang Libreng Sakay program sa labas ng EDSA Busway para mas marami itong maserbisyuhan.

About The Author