dzme1530.ph

Libreng sakay ng PCG, nagpapatuloy sa Metro Manila; paglikas sa mga residente sa Pampanga isinagawa

Loading

Nagpapatuloy ang libreng sakay na inilunsad ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Metro Manila ngayong July 23, 2025, bilang tugon sa patuloy na pag-ulan.

Kabilang sa mga biyahe ang rutang Quiapo patungong Fairview at Angono, Rizal, gayundin ang patungong Alabang at Sucat, Parañaque.

Pinangunahan ito ng Department of Transportation (DOTr) bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr..

Samantala, nagsagawa rin ng paglilikas ang PCG sa mga bata at senior citizen na naapektuhan ng pagbaha sa Masantol, Macabebe, San Simon, at Apalit sa Pampanga noong July 22, 2025.

Patuloy ang pagmo-monitor ng PCG sa sitwasyon sa mga lugar na ito upang masigurong ligtas ang mga residente sa gitna ng sama ng panahon.

About The Author