dzme1530.ph

Libre at murang palibing, burol, aprub na sa Kamara

Aprubado na sa kamara ang panukalang magbibigay ng libre at murang palibing, burol at iba pang funeral services para sa mga namatayang mahihirap na pamilya.

Sa ilalim ng panukalang “Funeral Assistance for Indigent and Extremely Poor Families Act” na isinusulong ni Tutok to Win Partylist Rep. Sam Verzosa, maaaring mag-avail ng free funeral services ang mga extremely poor families o mga pamilyang nabubuhay na mas mababa sa poverty threshold at 50% discount naman para sa funeral services.

May estimated aniya na more or less 318 Filipinos na namamatay araw-araw, ay may iniwang pamilya na mahihirap, o kulang ang pambili ng kabaong at pambayad sa burol at libing.

Kung kaya ito na aniya ang tulong na kailangang-kailangan ng publiko. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author