dzme1530.ph

Libo-libong pasahero stranded sa mga pantalan; PCG nagsagawa ng medical evacuation sa La Union

Loading

Umabot na sa 7,448 pasahero, drivers, at helpers ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa Bagyong Opong.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), mula alas-8 ng umaga hanggang tanghali nitong Huwebes, apektado ang 123 ports sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Kasama rin dito ang 3,063 rolling cargoes, 165 vessels, at 54 motorbancas na stranded, habang 405 vessels at 128 motorbancas ang pansamantalang naghanap ng masisilungan.

Samantala, nagsagawa ng medical evacuation ang Coast Guard sa isang 21-anyos na Indian crew member ng MV Crystal Tiger na may mataas na lagnat at pagsusuka sa karagatang sakop ng La Union. Sa tulong ng Bureau of Quarantine at Bureau of Customs, agad na dinala ang pasyente sa San Fernando International Seaport at inilipat sa pinakamalapit na pagamutan.

Patuloy ang pagbabantay ng PCG upang masiguro ang kaligtasan ng mga biyahero sa gitna ng masamang panahon.

About The Author