dzme1530.ph

Libo-libong muslim, nagdiwang ng Eid’l Adha sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila

Hindi napigilan ng ulan ang mga muslim para magtipon-tipon at magdasal upang ipagdiwang ang Eid’l Adha o feast of sacrifice sa Quiapo, Maynila.

Libo-libo ang dumagsa sa Golden Mosque at sa mga lansangan sa Quiapo upang ipagdiwang ang naturang kapistahan, kahapon.

Sa pagtaya ni Jalal Jamil, Grand Imam ng Golden Mosque, nasa sampunlibong muslim ang nakiisa sa pagdiriwang ng pista, sa kabila ng maulang panahon.

Pinaalalahanan ng Grand Imam ang mga muslim na patuloy na tumalima sa mga kautusan ni Allah, iwasan ang mga bawal, at gawin ang makabubuti sa mundo at higit sa kabilang buhay.

Ipinagdasal din nito ang lahat ng Pilipino at umaasang manatili ang pagmamahalan anuman ang relihiyon, at igalang ang pananampalataya, paniniwala o tradisyon ng bawat isa.

About The Author