dzme1530.ph

LGUs, pinatutulong na sa national government para kumpletuhin ang database ng NCSC

Umapela si Camarines Sur Cong. LRay Villafuerte sa Local Government Units (LGUs) na tulungan ang national government sa pagbuo ng ‘database’ para sa mahigit 12.3-M senior citizens sa bansa.

Ayon kay Villafuerte, kulang na kulang ang datos ng National Commission of Senior Citizen (), kaya hindi ma-locate o matukoy ang nasa 4-M indigent citizens na entitle ng tumanggap ng P1,000 monthly subsidy alinsunod sa atas ng Republic Act 1196.

Dapat na rin aniyang paghandaan ang panukala na kapwa na pasado sa Kamara at Senado upang bigyan ng cash gift ang mga edad 80 hanggang 90 years old bukod sa mga centenarians o 100 years old.

Sa datos ng NCSC nasa 3,074,278 ang bilang ng mga nakatatanda sa Pilipinas, malayo sa tinatayang 12.3-M na sinior citizen sa kabuuhan ng bansa. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author