dzme1530.ph

LGUs, hinimok na suportahan ang 2025 National Expenditure Program

Hinikayat ng Dep’t of Budget and Management ang mga lokal na pamahalaan na suportahan ang 2025 National Expenditure Program, na naglalaman ng proposed P6.352-T 2025 budget.

Sa Mindanao League of Local Budget Officers Inc. Annual Convention sa Camiguin, kinilala ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang mahalagang tungkulin ng local budget officers sa pagkakamit ng mga mithiin para sa Bagong Pilipinas, kung saan ang kaunlaran ay mararamdaman ng lahat ng Pilipino.

Kaugnay dito, inaasahan ni Pangandaman ang suporta at patuloy na pagtutulungan para sa maayos na preparasyon at implementasyon ng pambansang budget.

Sa pamamagitan umano nito ay masisigurong maihahatid ng gobyerno ang mga serbisyo at proyektong nararapat para sa mga Pilipino.

About The Author