dzme1530.ph

“Leviste files” binubusisi na ng Office of the Ombudsman, ayon sa Palasyo!

Loading

Nai-turnover na at ino-authenticate na rin ng  Office of the Ombudsman ang “Cabral files” na tinawag na ngayon ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro bilang ‘Leviste files’.

Ito ang naging pahayag ni Castro matapos hingan ng reaksyon sa mga claim ni Batangas 1st Dist. Rep. Leandro Leviste na ang office of the president ay proponent umano ng ₱8-billion na halaga ng proyekto mula sa Department of Public Works and Highways.

Ipinaliwanag ni Castro na may ilang version ng files ang hindi nagtutugma, kung saan ang iba rito ay mayroong nakasulat na annotations, tulad na lamang ng pagsama ng pangalan ng cabinet secretaries, habang ang iba naman ay walang katulad na detalye.

Dahil dito, sinabi ni Castro na hintayin na lamang ang ulat ng office of the Ombudsman, dahil anumang istorya na lumalabas nang walang matibay na ebidensya ay nananatiling ispekulasyon.