dzme1530.ph

LET passers, pumalo sa mahigit 72k

Matagumpay na nakapasa ang mahigit 72,000 examinees sa licensure examination para sa professional elementary at secondary teachers.

Ito ang inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) at ng Board for Professional Teachers (BPT) sa isinagawang professional exam noong Marso 19,2023 sa 37 testing centers sa buong bansa.

Sa datos ng PRC at BPT, nakapasa ang 24,819 elementary teachers mula sa 60,896 examinees habang 48,005 secondary teachers mula sa 102,272 examinees.

Dagdag pa ng PRC, na 19,390 ang pumasa na first taker at 5,429 ang repeaters mula sa 24,819 elementary teacher passers.

Habang para naman sa secondary teachers, 39,890 ang first timers at 8,115 ang repeaters. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author