dzme1530.ph

Leptospirosis, hindi pa magiging health emergency, sa kabila ng tumataas na kaso

Loading

Hindi pa ikinokonsiderang health emergency ang leptospirosis sa kabila ng pagtaas ng mga kaso, ayon kay infectious diseases specialist Dr. Rontgene Solante.

Aniya, inaasahan na ang kasalukuyang bilang ng mga pasyenteng naia-admit kada araw, na nasa 25 hanggang 28.

Sinabi ni Solante na kapag natapos ang tinatayang tatlong linggong incubation period, inaasahan pa rin ang panibagong mga kaso ngunit mas kaunti na ito.

Batay sa tala ng Department of Health, pinakamarami ang pasyente sa East Avenue Medical Center, at sinundan ng San Lazaro Hospital.

Sa San Lazaro, aabot sa 130 ang pasyente ng leptospirosis sa kasalukuyan, at karamihan sa mga ito ay nasa malubhang kalagayan.

About The Author