Halos 100 vote-buying cases ang naitala kaugnay ng 2025 National and Local Elections, ayon sa Legal Network for Truthful Elections (LENTE).
Sinabi ni LENTE Executive Director, Atty. Rona Ann Caritos, na nangyayari ang bilihan ng mga boto mula sa mga barangay hall, bahay ng mga botante, at last-minute assemblies.
Inihayag din ni Caritos na tumaas ang bilang ng napaulat na vote-buying cases noong Biyernes ng gabi.
Idinagdag ng LENTE official na malaking problema ng bansa ang vote-buying na mas talamak aniya sa local bets kumpara sa national candidates.