dzme1530.ph

Legal research, pinadali na ng Korte Suprema

Pinabilis pa ng Korte Suprema ang pagsasaliksik patungkol sa mga desisyon at mga jurisprudence sa mga kasong hawak ng Kataas-taasang Hukuman.

Sa pamamagitan ito ng inilunsad na Online Philippine Report E-Library kung saan maaaring makita anumang oras at kahit saan ang mga desisyon at legal citation na maaaring gawing batayan ng mga legal luminaries.

Ang kopya ng Philippine Reports ay available sa Supreme Court, sa halagang aabot sa P600.00 para sa pag-iimprenta nito. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author