dzme1530.ph

Legal assistance ng mga guro na magsisilbi sa BSKE, tiniyak ng Comelec, DepEd, at PAO  

Tiniyak sa pulong ng Comelec, DepEd, at PAO na mabibigyan ng sapat na proteksyon at seguridad ang mga guro na magsisilbing Electoral Board member sa BSKE sa October 30.  

Sa naging pahayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, sa loob ng mahabang panahon ang mga guro ang nagsisilbing frontliner sa tuwing may halalang nagaganap sa bansa.  

Dagdag pa ni VP Sara, hindi mangyayari ang eleksyon kung wala ang mga guro kung kaya’t nararapat lamang na bigyan sila ng legal na proteksyon, sa tulong ng PAO, laban sa mga banta at pananakot sa kanilang buhay.  

Sa panig naman ng Comelec, sakaling matakot at hindi magsilbi ang mga guro sa mga lugar o presinto, mayroon naman solusyon ang Comelec at ang pansamantala nilang ipapalit ang ay mga kapulisan o PNP katuwang ang AFP, na kanila namang sinasanay sa kasalukuyan, para magsilibi sa araw ng halalang pambarangay.  

Samantala, tiniyak din ng Comelec ang seguridad at honoraria ng nasa 826,000 guro na magsisilbi sa eleksyon dahil utang umano nila sa mga guro ang pagsasagawa ng matagumpay na halalan. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News 

About The Author