Ipinagmalaki ng Atin Ito Coalition na naisakatuparan nila ang mga pangunahing layunin ng kanilang misyon sa West Philippine Sea (WPS).
Kabilang na rito ang pagsasagawa ng peace and solidarity regatta, paglalatag ng boya o symbolic markers, at pamamahagi ng krudo at mga pagkain sa mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc.
Ala-syete y medya ng umaga kahapon nang umalis sa Zambales ang civilian convoy na kinabibilangan ng nasa isandaang mga bangka.
Nag-deploy naman ang Philippine Coast Guard (PCG) ng karagdagang dalawang barko para tiyakin ang kaligtasan ng misyon, kasunod ng reports na nasa tatlumpung Chinese vessels, kabilang ang isang barkong pandigma ang naispatan sa Scarborough shoal.
Unang idineploy ng PCG ang 44-meter vessel na BRP Bagacay at isang aircraft, para sa civilian mission sa pangunguna ng Atin Ito Coalition.