dzme1530.ph

Law enforcement agencies, hinamong iparamdam ang full force ng SIM Registration Law

Iginiit ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe na panahon nang ipakita ng mga awtoridad ang higpit ng Sim Registration Law sa pamamagitan ng pag-aresto at pagpataw ng parusa sa mga text scammer.

Nanindigan si Poe na sapat na ang mga probisyon ng batas at ang kailangan lamang ay epektibong implementasyon.

Dahil dito tutol ang senadora sa inirerekomendang suspindihin ang implementasyon nito.

Tanong pa ng senador kung ano na ang nangyari sa mga nahulihan ng libu-libong fake SIMs sa cybercrime hubs o POGO hubs sa Pasay City at sa Las Piñas.

Umaasa rin si Poe na isasama na ang live selfie bilang bahagi ng verification process sa SIM registration.

Maging ang posibleng paglimita sa bilang ng mga SIM na iparerehistro ay kailangan na rin anyang pag-aralan subalit dapat bigyang konsiderasyon ang mga lehitimong kumpanya na kailangang iparehistro ang kanilang mga empleyado bilang isang grupo.

Iginiit din ni Poe na kailangang magtulungan ang mga ahensiya ng gobyerno at telcos para palakasin ang mekanismo sa pag-ulat tungkol sa text scams at mga kaugnay na pandaraya. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author