dzme1530.ph

Landslides sa Antipolo City, pumatay ng 7; 4 na iba pa, nawawala, sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Enteng

Hindi bababa sa 7 ang nasawi habang 4 ang nawawala sa Antipolo City, sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Enteng.

Kabilang sa tatlong nasawi sa Barangay San Jose ang isang buntis, habang ang dalawang magkapatid na batang lalaki ay natagpuang magkayap sa ilalim ng makapal na putik at nagtumbahang mga puno.

Sa Barangay San Luis, narekober ang bangkay ng isang taong gulang na lalaki na nalibing din ng buhay, ayon sa Antipolo City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Bagaman nakaligtas ang Lolo ng bata, ang apat naman nitong kaanak, kabilang ang kanyang mga magulang at walong taong gulang na kapatid ay hindi pa rin natatagpuan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author