dzme1530.ph

Landslide incident sa Davao de Oro, pinabubusisi sa Senado

Iginiit ni Senate President pro tempore Loren Legarda ang pangangailangang magsagawa ng senate investigation in aid of legislation sa naganap na landslide sa Maco, Davao de Oro na ikinasawi ng halos 100 katao.

Sa kanyang Senate Resolution 930, nais ni Legarda na magsagawa ng imbestigasyon ang kaukulang kumite sa landslide sa Davao de Oro noong February 6 bunsod ng walang tigil na pag-ulan at pagbaha sa lugar.

Binanggit ni Legarda sa resolusyon na ang landslide site ay una nang idineklarang “no build zone” ng lokal na pamahalaan dahil batay sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) -Region 11 mahina ang lupa at ito ay matatagpuan sa Philippine fault.

Nakasaad din sa resolusyon na hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng landslide sa lugar dahil may ganito nang pangyayari noong 2007 at 2008.

Sisilipin sa imbestigasyon kung ang mga ahensya ng gobyerno at mga stakeholders ay nakasusunod sa probisyon ng batas sa disaster risk reduction and management at kung natutugunan ang mga agwat sa disaster preparedness at response mechanism.

About The Author