dzme1530.ph

Landbank, nakapag-remit na ng P50-B kontribusyon sa Maharlika Fund

Nakapag-remit na ang Landbank of the Philippines ng P50-B na halaga ng kontribusyon sa Maharlika Investment Fund.

Ayon sa Landbank, ini-remit ang P50-B sa Bureau of Treasury noong Setyembre a-14.

Kampante naman si Finance Sec. Benjamin Diokno na tumatayo ring chairman ng Landbank na magiging operational na ang Maharlika Fund sa pagtatapos ng taon.

Sinabi rin nito na dumarami na ang nagpapakita ng interes para sa investments sa Sovereign Wealth Fund mula sa multilateral financial institutions at foreign investors.

Tiniyak naman ni Landbank President at Chief Executive Officer Lynette Ortiz na sapat ang safeguards ng Maharlika Fund upang matiyak ang full disclosure at transparency sa pamamahala nito, at ang integridad at propesyunalismo ng management team na magpapatakbo ng Maharlika Investment Corporation. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author