Itinaas ni Quezon Gov. Angelina Tan ang alert status ng Provincial Disaster Management Operation Center sa “code blue,” kasunod ng pagpasok sa bansa ng Tropical Depression Kristine.
Sa memorandum circular, nakasaad na ang pagtataas ng alert level warning ay para sa epektibong pagbabantay ng lalawigan sa bagyo.
Nagbabala si Tan na posible ang flash floods o landslides bunsod ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan, lalo sa mga lugar na bantad sa mga naturang panganib.
Sa ilalim ng blue alert status, lahat ng disaster risk reduction management council personnel at equipment ay naka-standby, in case of emergency. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera