dzme1530.ph

Lalaking nahulog sa gusali ng UE Campus sa Maynila hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan 

Patuloy ang imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) sa pagkakakilanlan ng isang lalaking nakitang nakahandusay, duguan at wala nang buhay sa isang gusali sa Recto, Maynila.  

Ayon sa imbestigasyon ng MPD, nakarinig ng malakas na kalabog mula sa tuktok ng canopy na matatagpuan sa second floor, ang dalawang babaeng at lalaking kapwa mga witness na naroon sa loob ng gusali ng UE main Campus, sa 2219 CM Recto Ave.Brgy 404, Sampaloc, Manila pasado 2:05 ng hapon kahapon.  

Nang puntahan ng mga nasabing saksi ang malakas na kalabog at ingay mula sa 2nd floor ay dito na nila nakita sa ibabaw ng canopy ang isang lalaking nakasuot ng puting t-shirt at itim na pantalon na wala nang buhay at duguan, nakita din malapit sa katawan ng lalaki ang isang ladder o hagdanan.  

Sa pag usisa ng mga awtoridad lumalabas na nahulog mula sa itaas ng gusali ang naturang lalaki. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News 

About The Author