Hinarang ng mga official ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang lalaking deaf & mute, ngayong araw.
Ang lalaking pinigil sa NAIA na kinilalang si Sengaloun Phimpa, pasahero ng Air Asia flight mula Bangkok na dumating sa NAIA terminal 3.
Si Phimpa ay nagpakita umano ng kahina-hinalang pasaporte sa mga tauhan ng immigration.
Sa isinagawang tertiary inspection sa forensic laboratory ng BI, lumabas na peke ang pasaporte ni Phimpa na may pekeng immigration stamp at Thai visa.
Nakuha rin sa possession ng pasahero ang Philippine TIN ID, Philippine postal ID, at iba pang Thai documents.
Sinabi ng Immigration na sasailalim sa karagdagang imbestigasyon ang kaso ni Phimpa, at kung mapapatunayang isa siyang dayuhan, ililipat siya sa pasilidad ng BI sa loob ng Camp Bagong Diwa habang hinihintay niya ang resolusyon ng kanyang deportation case. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News