dzme1530.ph

LAKAS-CMD, walang interes sa sinasabing ‘destabilization plot’ laban sa administrasyon

Walang interes ang Partido Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa mga umuugong na destabilisasyon laban sa administrasyong Marcos.

Ito ang tiniyak ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., Chairman ng Partido sa paggiit na walang dahilan ang umano’y pagtatangka laban sa pamahalaan.

Naniniwala rin ang mambabatas na hindi uusad ang anumang pinalulutang na ouster plot laban sa Pangulo.

Iginiit pa ni Revilla na hindi ito ang panahon para mag-away o magkawatak-watak dahil sa dami ng mga problemang kinakaharap ng bansa tulad ng mataas na presyo ng bilihin.

Umapela rin ang mambabatas ng ceasefire sa mga nagpapalutang ng isyu at iginiit na dapat isantabi muna ang mga personal an interes para tugunan ang problema ng bayan.

—Ulat ni Dang Samson-Garcia, DZME News

About The Author