dzme1530.ph

Lakas-CMD, nagpahayag ng pasasalamat kay VP Sara

Pinasalamatan ng Lakas-CMD si Vice President Sara Duterte, sa serbisyong nagawa nito sa partido bilang chairperson at sa pagbuo ng Unity Team na ang hangad ay magbigay ng makahulugang pagbabago sa bansa.

Ayon kay Lakas-CMD Secretary General Cong. Joboy Aquino, nirerespeto nila at nauunawan ang mga kadahilanan ng paglisan nito sa partido.

Suportado din umano nila ang panawagan nito sa mga political leaders na magkaisa at patuloy na suportahan si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na maging matagumpay para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Patuloy umano silang naniniwala sa shared vision na sa nagkakaisang bansa maiaahon sa kahirapan ang buhay ng mga Pilipino at susunod na henerasyon. —sa ulat ni Ed Sarto

About The Author