dzme1530.ph

Lakas-CMD naglabas ng Manifesto ng suporta at tiwala kay Speaker Martin Romualdez

Isang manifesto na naghahayag ng buong suporta at tiwala kay House Speaker Martin Romualdez ang inilabas ng partido Lakas-Christian Muslim Democrats o Lakas-CMD.

Pinangunahan ni House Majority Leader Mannix Dalipe, Jr. ng Zambuanga City at Executive Vice President ng Lakas-CMD ang ‘Manifesto’ na pirmado din ng 91 other party members kabilang si Former President at 2nd District Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Nakasaad sa manifesto na naninindigan sila at ipinagtatangol ang imahe ng Kamara at kanilang lider na si Romualdez na inaatake dahil sa People’s Initiative (PI) na ang hangad ay amyendahan ang 1987 Philippine Constitution.

Sa pamumuno ni Romualdez, naging mabunga umano ang performance ng 19th Congress kung saan ang lahat ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) at State of the Nation Address (SONA) wishes ay pawang natapos a head of time.

Sa darating na Pebrero a-singko, isang resolusyon din na nabuo sa ginanap na ‘all-party caucus’ ang isusumite din para iparamdam kay Speaker Romualdez ang buong suporta sa harap ng paninira bunsod ng People’s Initiative (PI).

–Sa panulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author