dzme1530.ph

Lakas CMD at PFP, pag-uusapan pa ang posibleng pakikipag-alyansa sa Hugpong ng Pagbabago

Mag-uusap pa ang Lakas CMD Party at Partido Federal ng Pilipinas kaugnay ng posibleng pagsali sa kanilang alyansa ng Hugpong ng Pagbabago Party ni Vice President Sara Duterte.

Sa ambush interview sa Alliance Signing Ceremony ng Lakas CMD at PFP sa Manila Polo Club sa Makati City, inihayag ni Lakas CMD President at House Speaker Martin Romualdez na bukas pa rin sila sa diskusyon kaugnay ng posibleng pakikipag-alyansa sa Hugpong.

Sinabi rin ni Romualdez na iko-konsulta muna nila ito sa PFP.

Samantala, ibinida ng house leader ang nakatakdang pagsasanib-pwersa ng dalawang partido, kung saan magiging kabahagi ang 100-strong members ng kamara mula sa Lakas CMD, at mayorya ng mga lokal na opisyal mula sa PFP.

About The Author