dzme1530.ph

Lahar, posibleng dumaloy pababa ng bulkang Kanlaon

Posibleng dumaloy pa ang lahar pababa ng bulkang Kanlaon, kung magkakaroon ng malakas na pag-ulan.

Ayon kay Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST- PHIVOLCS) Chief Research Specialist Maria Antonia Bornas, kakaunti lamang ang bababang lahar dahil manipis lang din ang ashfall na inilabas ng bulkan.

Tiniyak naman ng PHIVOLCS na walang nagbabadyang “degrassing activity,” ang bulkan.

Samantala, ipinagbabawal pa rin ng PHIVOLCS ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone ng bulkang Kanlaon.

About The Author