dzme1530.ph

Labor upskilling, ipagpapatuloy ng administrasyon upang lalo pang mapataas ang employment rate

Ipagpapatuloy ng administrasyong Marcos ang labor upskilling o pagpapahusay sa kakayanan ng mga manggagawang Pilipino.

Ito ay kahit tumaas na sa 95.5% ang employment rate para sa buwan ng Hunyo, kumpara sa 94% noong June 2022.

Katumbas ito ng 48.84-M na mga Pilipinong may trabaho batay sa Labor Force survey ng Philippine Statistics Authority.

Ayon sa National Economic and Development Authority, nakatutok pa rin ang gobyerno sa pagsasanay at upskilling ng Filipino workforce upang sila ay maihanda sa mga dekalidad at high-paying jobs.

Sinabi ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na ito ay alinsunod sa mithiin ng Philippine Development Plan 2023-2028 kaugnay ng pagkakaroon ng angkop na working skills ng young Filipino workforce. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author