dzme1530.ph

Labor Inspection System na po-protekta sa mga manggagawa dapat pang paghusayin —Rep. Nograles

Pinatitiyak ni Rizal Cong. Fidel Nograles sa pamahalaan, na magagampanan nito ang layunin ng Labor Inspection Convention/LIC No. 81 ng Int’l Labor Org. (ILO) na niratipikahan ng Pilipinas.

Para kay Nograles, chairman ng Committee on Labor and Employment, hindi dapat mauwi lang sa piece of paper ang Labor Inspection Convention No. 81, sa halip tiyaking masusunod ito para sa kapakanan ng mga manggagawa.

Pinatitiyak ng kongresista sa DOLE na may kakayahan ang kanilang labor inspectors na magsagawa ng pagsasanay upang umangat pa ang kapasidad ng labor force.

Dagdag pa ni Nograles, bukod sa enforcement ng labor laws, ang mahusay na labor inspection system ay nagsisilbi ring partner ng mga kumpanya para itama at paunlarin ang workplace practices.

Ngayong Nobyembre, iprinisenta ng Phil. delegation sa ILO Headquarters sa Geneva, ang ratification instrument ng LIC No. 81, na layong itakda ang global standards ng comprehensive labor inspection framework. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author