Isasauli ng Pilipinas ang labis na $320-M o mahigit P18-B, na inutang sa World Bank para sa COVID-19 response.
Ayon sa Department of Finance, ang labis na pondo ay gagamitin sanang pambili ng COVID-19 vaccines, ngunit hindi ito nagamit dahil maraming nag-donate ng bakuna sa Pilipinas.
Mismong ang World Bank ang nag-abiso na isauli ang labis na pondo, at gumawa na lamang ng bagong programa.
Kaugnay dito, sinabi ni Finance Sec. Benjamin Diokno na lumiham na sila sa World Bank para sa intensyong ibalik ang $320-M. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News