dzme1530.ph

Labing-walong koponan, sasabak sa Pinoyliga Collegiate Cup

Kabuuang labing-walong koponan ang magpapaligsahan sa ikatlong edisyon ng Pinoyliga Collegiate Cup na magsisimula sa April 6 sa Alonte Sports Center sa Biñan, Laguna.

Ayon kay Pinoyliga CEO and Founder Benny Benitez, pangungunahan ng reigning UAAP Men’s Basketball Champion na La Salle at NCAA counterpart nito na San Beda, ang mga team na sasabak sa tatlong buwang tournament.

Bukod sa Green Archers at Red Lions, kabilang din sa lalahok ang Adamson Falcons, UP Fighting Maroons, FEU Tamaraws, NU Bulldogs, UE Red Warriors, Mapua Cardinals, Lyceum Pirates, at Perpetual Help Altas.

Samantala, mayroon ding dalawang teams mula sa labas ng UAAP at NCAA na kasali, na kinabibilangan ng Enderun Titans at Guang Ming College sa Tagaytay.

About The Author