dzme1530.ph

Labi ni DMW Sec. Toots Ople, ike-cremate na ngayong araw pagkatapos ng public viewing sa DMW office

Ike-cremate na ngayong araw ang labi ng namayapang si Department of Migrant Workers Sec. Susan “Toots” Ople.

Ayon sa anak ni Ople na si Estelle Osorio, ike-cremate na ang labi ng kanyang ina pagkatapos ng public viewing sa DMW building sa Ortigas Avenue, Mandaluyong City.

Sa ika-40 days naman ng kamatayan ni Ople ay dadalhin ang kanyang abo sa Christ the King sa Quezon City.

Matatandaang kahapon ay inilagak sa Malakanyang ang labi ni Sec. Ople para sa necrological service at public viewing.

Si Sec. Ople ay pumanaw noong Agosto a-22 sa edad na 61, matapos ang pakikipaglaban sa stage 4 cancer. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author