dzme1530.ph

Labi ng mga biktima ng bumagsak na Cessna plane sa Isabela, naiuwi na

Nai-turnover na sa kani-kanilang pamilya ang mga labi ng anim na biktima ng bumagsak na Cessna plane sa Divilacan, Isabela noong Jan. 24.

Matapos ang ilang araw na retrieval operation, inilipad mula Divilacan ang mga bangkay patungong punerarya sa Cauayan City, kung saan naghihintay ang mga naulilang pamilya.

Ayon sa Incident Management Team, matapos ilagay sa kabaong ang labi nina Val Kamatoy, Mark Eiron Esguerra, Xam Esguerra, at Rom Joshtle Manday ay ibiniyahe ang mga ito sa kanilang mga bahay sa Silang, Cavite para iburol.

Ang labi naman ni Josefa Espana ay dinala sa kanyang hometown sa Claveria, Cagayan habang “crinimate” ang katawan ng piloto ng eroplano na si Air Force Capt. Eleazar Mark Joven saka ibiniyahe sa Silang, Cavite.

Natagpuan ang crash site noong March 9, 44 na araw makaraang mawala ang eroplano sa kabundukan ng Sierra Madre sa Barangay Ditarum sa Divilacan.

About The Author