dzme1530.ph

Labi ng binitay na Pinoy sa Saudi Arabia, hindi maiuuwi sa Pilipinas

Hindi maiuuwi sa Pilipinas ang labi ng Pilipino na binitay sa Saudi Arabia sa salang pamamaslang, alinsunod sa Shari’ah Law.

Ayon sa Philippine Embassy sa Riyadh, ito ang panuntunan para sa executed individuals sa naturang bansa.

Sinabi ni Riyadh Charges D’Affaires Rommel Romato na sinubukan nilang umapela sa pamilya ng biktima na patawarin ang Pinoy sa ilalim ng Shari’ah law, subalit hindi naigawad ang hinihinging kapatawaran.

Ipinaliwanag naman ni Sheikh Mahid Mangodaya na nag-aral ng Islamic Law sa Saudi Arabia, na ang Shari’ah ay tumatalima sa “An eye for an eye” belief, o pagbibigay ng parusang katumbas ng pinsalang ginawa ng isang tao laban sa kanyang kapwa. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author