Dumating na sa Pilipinas ang labi ng tatlong Oversees Filipino Workers (OFW) na nasawi sa sunog sa isang residential building sa al-Mangaf, Kuwait.
Pasado alas kuwatro ng hapon, Hunyo 17 ng lumapag sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplano lulan ang mga nasawing sina Jesus Lopez, Edwin Petras Petilla, at Jeffrey Fabrigas Cayubay.
Sinalubong nina Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnel Ignacio kasama ng pamilya ng mga nasawing OFW.
Samantala, sinabi ni Former DMW spokesperson Tobby Nebrida na isa sa dalawang biktima ay nanatili pa rin sa Intensive care unit (ICU) dahil sa kritikal na kondisyon nito, habang ang isa naman ay binabantayan pa ang kondisyon.