Sinuspinde ng anim na buwan ng Florida Athletic Commission ang boksingerong si John Gotti III bunsod ng Post-Fight Brawl laban kay Floyd Mayweather Jr. sa FLA Live Arena sa Florida.
Sina Mayweather at Gotti ay sumabak sa exhibition match noong Lunes na agad tinapos ng referee na si Kenny Bayless sa sixth round dahil sa patuloy na pagta-trashtalk ng dalawang boksingero.
Matapos ipahinto ng referee ang laban ay inatake ni Gotti si Mayweather dahilan para mapasugod sa ring ang ilang mga miyembro ng magkabilang kampo.
Ang naturang insidente ay nagdulot din ng mga suntukan maging sa labas ng ring.
Ayon sa tagapagsalita ng Florida Department of Business and Professional Regulation, wala namang ipinataw na sanction laban kay Mayweather kaugnay ng naturang insidente. —sa panulat ni Lea Soriano