dzme1530.ph

La Salle, natakasan ang UE sa five-set battle sa UAAP Women’s Volleyball Tournament

Nalusutan ng De La Salle University ang University of the East (UE) para sa kanilang ikawalang sunod na panalo, nang wala ang kanilang top star na si Angel Canino.

Natakasan ng Lady Spikers sa pamamagitan ng five-set battle ang Lady Warriors, sa score na 25-23, 21-25, 25-17, 22-25, at 15-12, sa kanilang sagupaan sa UAAP Season 86 Women’s Volleyball Tournament, sa Araneta Coliseum.

Pinangunahan ni Thea Gagate ang La Salle matapos magtala ng 22 points, na kinabibilangan ng 17 attacks, three blocks, at two digs.

Umakyat ang Taft-based squad sa 9-1, kapantay ng University of Sto. Tomas bilang top teams sa standings, habang nalaglag ang UE sa 2-8 at ngayon ay nasa pang-anim na puwesto.

About The Author