dzme1530.ph

Kumpirmasyon sa ad interim appointment ni DMW Sec. Cacdac, lusot na sa CA committee level

Inaprubahan na ng Commission on Apppointment Committee on Labor ang ad interim appointment ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac.

Ito ay makaraang hindi na talakayin pa ng panel ang mga isyu ng apat na oppositor.

Ito ay nang magkaisa ang mga kongresista sa pangunguna ni CA Majority Leader Luis Raymund Villafuerte na walang batayan ang kanilang opposition at wala ring specific na reklamo.

Dahil dito, hindi na binigyan pa ng pagkakataon na magsalita ang mga oppositor.

Maging si Cong. Rodante Marcoleta ay hindi na rin bumato pa ng mga karagdagang tanong sa kalihim makaraang makuntento na anya siya sa mga inihain sa kanyang report ni Cacdac kaugnay sa mga programa at plano para sa pagbibigay proteksyon sa mga OFW.

Matatandaang ipinagpaliban ng CA ang kumpirmasyon sa ad interim appointment ni Cacdac dahil marami pa umanong tanong si Marcoleta sa kalihim.

Isa-isa ring nagpahayag ng suporta ang mga senador at kongresista na miyembro ng CA dahil sa dami ng tulong na nagawa ni Cacdac sa mga constituents nilang OFW na nangangailangan ng tulong.

Inendorso na ng kumite sa plenaryo ang approval sa ad interim appointment ni Cacdac. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author