NANINIWALA si Senate Minority Leader Koko Pimentel na hindi authentic o peke ang lumabas na Senate Resolution na nagsusulong ng pagbasura sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Pimentel na halata namang depektibo ang mga nakapaloob na dahilan sa pagpapabasura sa reklamo.
Pinuna rin ng senador ang binanggit na constitutional provision sa resolusyon na para sa kanya ay hindi accurate o hindi tama.
Ilan naman sa mga senador ang nagsabing hindi pa nila nakikita ang resolusyon.
Sinabi ni Senate Presidente Francis Chiz Escudero na hanggang bago mag alas dyes kagabi walang naihaing o nakapending na ganitong resolusyon sa senado
Sinabi naman nina Senador Joel Villanueva at JV Ejercito na hind nila nakikita ang resolution.
Kasabay nito, iginiit ni Ejercito na anuman ang kanyang paniniwala sa impeachment ay constitutional duty nila na aksyunan ang articles of impeachment.