dzme1530.ph

Krisis sa edukasyon, dapat sama-samang tugunan

Loading

Nanawagan si Senador Bam Aquino para sa agarang at sama-samang pagkilos upang tugunan ang lumalalang krisis sa edukasyon.

Sa kanyang privilege speech, nangako si Aquino bilang chairperson ng Senate Committee on Basic Education na isusulong niya ang mga reporma upang palakasin ang education system ng bansa.

Kabilang sa mga isyung binanggit ng senador na dapat tugunan ay ang child malnutrition, kakulangan sa classrooms at textbooks, kawalan ng internet access, problema sa kapakanan ng mga guro, learning gaps, at mababang employability ng mga estudyante.

Babala ni Aquino, kung hindi kikilos ngayon, ang pinsala ng krisis sa kabataan, at sa kinabukasan ng bansa, ay magiging permanente.

Aniya, hindi dapat pabayaan ang pinakamalaking bentahe ng Pilipinas, ang kabataan.

Kaya’t panawagan ng senador, magtulungan ang lahat upang ipaglaban ang karapatan ng bawat bata sa dekalidad na edukasyon.

About The Author