![]()
Nanawagan si Sen. Sherwin Gatchalian na wakasan na ang krisis sa edukasyon sa bansa bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong Nobyembre.
Ayon kay Gatchalian, ang matatag na pundasyon sa edukasyon ang pinakamagandang pamana na maiiwan sa susunod na henerasyon.
Binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng early childhood care and development programs at ang pangangailangang matiyak na lahat ng mag-aaral ay may sapat na kakayahan sa pagbasa, pagsusulat, at pag-unawa, o tinatawag na functional literacy.
Bilang Chairman ng Senate Committee on Finance, nangako si Gatchalian na bibigyang-prayoridad sa 2026 national budget ang mga programang tutugon sa mga hamon ng edukasyon.
Aniya, dapat mapondohan ang mga programang naglalayong mapatibay ang kalidad ng edukasyon para sa kabataan.
Ang National Children’s Month ay ipinagdiriwang tuwing Nobyembre upang kilalanin ang karapatan, kapakanan, at papel ng mga bata sa paghubog ng kinabukasan ng bansa.
