dzme1530.ph

Korte Suprema, may bagong tagapagsalita at Chief Communications Officer

May bagong Spokesperson at bagong Chief Communications Officer ang Supreme Court.

Itinalaga ng Korte Suprema si Atty. Camille Sue Ting bilang bagong tagapagsalita ng kataas-taasang hukuman. Siya ang ikalimang spokesperson at unang babaeng in-appoint sa naturang puwesto.

Samantala, itinalaga rin ng Supreme Court ang dating journalist na si Atty. Mike Navallo bilang Chief Communications Officer.

Inihayag ng Korte Suprema na agad mauupo sa kaniyang puwesto si Ting habang si Navallo ay magsisimula sa August 1, 2024.

About The Author