![]()
Inanunsyo ng Supreme Court (SC) na magtatalaga ito ng mga special court na nakatuon lamang sa corruption-related cases mula sa mga infrastructure project ng gobyerno.
Inihayag ng Korte Suprema na inatasan ng SC en banc ang Office of the Court Administrator (OCA) na i-monitor ang mga kasong may kinalaman sa katiwalian sa infrastructure projects na ihahain sa mga Regional Trial Court.
Ang hakbang ng Korte Suprema ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumubuo ang mga awtoridad ng solid at matatag na mga kaso laban sa mga nagkasala upang hindi nila matakasan ang pagnanakaw sa pondo ng bayan.
Tiniyak din ng SC na patuloy nilang ipatutupad ang mga reporma sa ilalim ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022–2027, kung saan kabilang ang development ng eCourt PH at iba pang digitalization projects.
