dzme1530.ph

Korte Suprema, hinimok maglabas ng status quo ante order, magsagawa ng oral arguments sa isyu ng impeachment vs VP Sara

Loading

Nanawagan si Sen. Kiko Pangilinan sa Korte Suprema na maglabas ng status quo ante order at magsagawa ng oral arguments kaugnay ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay kasunod ng paghahain ng Kamara ng Motion for Reconsideration upang hilinging baligtarin ang naunang desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo.

Iginiit ni Pangilinan na mahalagang bigyan ng pagkakataon ang lahat ng panig o ang Senado, Kamara, at Korte Suprema, na suriin ang sitwasyon upang maiwasang humantong ang bansa sa isang “constitutional war of attrition.”

Babala ng senador, ang ganitong bangayan ay makakasira sa tiwala ng taumbayan sa mga demokratikong institusyon at magdudulot ng matinding pinsala.

Kaya naman hinimok ni Pangilinan ang Korte Suprema, bilang final arbiter, na pagdesisyunan ang motion for reconsideration alinsunod sa sariling ruling nito na kinikilala ang legal na bisa ng mga karapatan, kapangyarihan, at tungkulin ng Korte, Kamara, at Senado sa ilalim ng Saligang Batas.

About The Author