dzme1530.ph

Korte sa South Korea, ibinasura ang hiling na arrest warrant laban kay ex-President Yoon Suk Yeol

Loading

Ibinasura ng South Korean Court ang hiling na isyuhan ng arrest warrant si former President Yoon Suk Yeol.

Kaugnay ito ng imbestigasyon sa pagtatangka ni Yoon na magdeklara ng martial law noong Disyembre.

Ayon sa Senior Member ng Special Prosecutor’s Team of Investigators, ang hirit na warrant of arrest ay para sa kasong obstruction at sa pagmamatigas ni Yoon na tumugon sa summons.

Naipabatid na umano ng Special Prosecutor kay Yoon at sa legal counsel nito na kailangan nilang humarap para sa inquiry sa Sabado.

Gayunman, gagawa ulit ng panibagong request ang prosecutor’s para sa arrest warrant kung muling mabibigo ang dating Pangulo na tumalima.

 

 

About The Author