dzme1530.ph

Korte sa Pasig, pinayagang dumalo si Apollo Quiboloy sa pagdinig ng Senado

Pinayagan ng Korte sa Pasig na humarap si Kingdom of Jesus Christ Founder Apollo Quiboloy sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa umano’y mga pang-aabuso sa loob ng KOJC.

Sa limang pahinang order, kinatigan ng Pasig Regional Trial Court Branch 159 ang kahilingan ni Sen. Risa Hontiveros, Chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, na payagang dumalo sa pagdinig ang naka-ditineng pastor.

Itinakda ang Committee hearing, ngayong Miyerkules, Oct. 23, sa ganap na ika-10 ng umaga.

Kasama ni Quiboloy ang kanyang mga co-accussed na may matataas na katungkulan sa KOJC na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Ingrid Canada, Paulene Canada, at Sylvia Calija Cemanes.

Ang kontrobersyal na pastor ay kasalukuyang nahaharap sa mga kasong Child and Sexual Abuse, at Non-bailable na Trafficking in Person. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author